@dutertekam1: Nagpahayag si dating COMELEC at COA Commissioner Atty. Rowena Guanzon ng suporta sa naging hakbang ni Sen. Imee Marcos kaugnay ng pag-atras umano nito sa isang video presentation sa Senado. Ayon kay Guanzon, mas mahalaga umano na mailahad sa publiko ang commitment ng mga senador na hindi sila papayag sa Constitutional Assembly o Con-Ass at sa anumang panukalang no election scenario sa 2028. Sinabi rin ni Guanzon na naging “smart” umano ang naging strategy ni Sen. Imee dahil nakatuon ang usapin sa posisyon ng mga senador hinggil sa Con-Ass at sa posibilidad ng no election sa 2028. #notoconass #saraforpresident2028 #LabanParaSaBayan💪 #GodSaveThePhilippines #PrivilegeSpeech