@marcelosantosiii: Akala ko dati… kapag nawala ka, hindi ko na alam ang halaga ko. Na hindi na ako magiging masaya. Na hindi na ako makakabangon. Pero alam mo kung anong narealize ko? Kaya ko pala. Mahirap… pero kaya. Masakit… pero malalampasan. At habang tumatagal, natutunan kong mabuhay ulit nang hindi umiikot ang mundo ko sa isang tao lang. Hindi dahil hindi kita minahal, pero dahil natutunan ko ring mahalin yung sarili ko. Thankful ako kasi nakilala kita. Marami rin naman akong natutunan noong tayong dalawa pa pero ngayon, kakayanin ko na munang mag-isa. #Hugot #HugotMarcelo
nasabi ko rin noon, pero kinaya ko. kinailangan eh :)
2026-05-26 21:25:09
66
zap :
kaya natin ’to guys. kung kaya ng iba, kaya rin natin
2026-05-27 11:56:47
37
🤍 :
Kinaya pero alam mong part of you will never be the-same again.
2026-05-28 05:21:54
3
_rara :
KAYA KO PALA, HINDI KO LANG SINUBUKAN NG MAS MAAGA.
2026-05-27 21:30:51
10
✿⋆Gracey⋆✿ :
Pogi pala si Marcelo!!🥺😭
2026-05-29 12:36:25
2
🌷 :
hindi ko pa kaya sa ngayon 🥺
2026-05-30 17:36:50
1
Kel :
pero hindi na tulad ng dati simulan noong wala ka
2026-07-14 14:51:22
1
:D :
kaya ko naman pala, ayoko lang dati.
2026-05-27 08:18:13
7
Ellei :
Hindi kasing saya ng dati, pero kaya pa din namang sumaya paunti’unti. May pagluha, pero mas payapa. Kaya pa din naman pala.✨
2026-05-30 04:57:52
2
selah :
Been almost 2 years. At kung malalaman mo lang kung ano yung mga kinaya ko, magiging proud ka sa’kin :))
2026-05-27 12:12:37
3
blue :
kaya naman pala, natakot lang ako nung una.
2026-05-27 07:57:10
6
imkroong 💙 :
hindi totoo yun kasi kinaya ko dahil kailangan
2026-05-27 13:42:04
1
not.kris :
"kaya mo nga pero di ka naman masaya"🥺
2026-06-02 11:58:36
1
Bb. Ligaya🌷🌸 :
Hindi pala totoo yon kasi nung mas lumawak ang mundong ginagalawan nya kinalimutan nya na ako at sinabing wala akong pangarap where in fact wala akong ginawa kundi tulungan sya at mag stay sa kanya kahit nung nawalan sya ng trabaho.
2026-05-27 12:41:17
1
إيلا :
healing pa rin ako ngayon : )
2026-05-27 11:17:48
2
𝑲𝒓𝒊𝒔𝒕𝒆𝒍 ۶ৎ :
nakakatakot lang pala yung Idea na "wala ka na"
2026-05-27 06:34:32
2
🍂 :
Masasanay din akong wala ka. Nakakabaliw isang buwan palang simula noong iniwan mo ako. Walang maayos na explanation
2026-05-27 05:16:22
3
Maria✨ :
Kaya naman talaga eh. Kasi wala namang choice kundi kayanin
2026-05-27 14:23:36
1
@markisonmute.♏ :
Kala ko dati hindi ko kayang wala ka, kasi ikaw yung kasama ko ng matagal sa lahat ng bagay, Pero pagtapos ng araw na yun ito ako kaya ko pala, kayang kaya ko pala 🥰
2026-05-27 00:13:00
3
♏️ :
Nasanay lang pala ako na lagi sya ang kausap ko at laging anjan for me 🥺
2026-05-27 07:27:41
1
ROBIspeaks :
Ganda
2026-05-26 11:37:37
1
Jasmin Agapito :
Masyado ka lang nasanay nang nanjan siya
2026-05-27 00:27:55
1
LC :
Kaya to🫡
2026-08-18 00:21:07
0
LEMONADE :
kinakaya nalang talaga
2026-05-27 09:59:56
0
To see more videos from user @marcelosantosiii, please go to the Tikwm
homepage.