@mitchie0714: You can win the lottery, but you can’t win back time. This film reminds us to cherish and mend relationships before it’s too late. 🥺❤️ A must-watch movie. Maghanda na kayo ng maraming tissue dahil mapapaiyak talaga kayo. 🥺😭 Watching The Lotto Winner hit me differently. I grew up in a complete family, but like many families, my parents had their own struggles and misunderstandings. My father was very strict almost military-style when it came to discipline and growing up, there were many things I didn’t understand. But this movie reminded me that every parent has their own way of showing love, even if it doesn’t always look the way we expect. The story taught me that money can change lives, but it can never replace love, family, trust, and forgiveness. In the end, true happiness isn’t about how much you have it’s about the people who stay, love, and support you through everything. ❤️ #thelottowinner #thelottowinnermovie #albertmartinez #kyliepadilla
Mitcheeeeee🦋
Region: PH
Sunday 31 May 2026 04:00:35 GMT
Music
Download
Comments
marj__ :
Kaya madaming parents ngayon na mainitin ang ulo kasi lahat ng energy at oras nila nabuhos lahat sa kids. Walang space to breathe, or magpahinga. Walang space para mag explore ng ibang bagay or kilalanin ulit yung sarili nila. Walang space para mapagod, masaktan, or mag pause kahit saglit. Nakakaproud yung pagmamahal pero nakakalungkot din at the same time.
2026-06-01 03:19:58
2095
Dyoy Mare :
simula nung naging nanay ako, parang namatay ako. Hindi ko na alam kung sino ako, kung ano ako dati. lahat ng meron ako dati hindi ko alam saan napunta. ang alam ko lang nanay ako. kapag naiisip ko kung ano ako dati, kung paano ko naeenjoy ung mga bagay na dating nagpapasaya sakin na ngayon pag sinubukan ko eh hindi na ko natutuwa.
2026-06-01 06:12:24
580
budolgram2.0 :
I'm a wfh mom na maaga nag-asawa at nagka-anak pero mali bang naisin kong mag-abroad ngayon at iwan ko muna mga anak ko just to fulfill my dream to work abroad? Para pagtanda ko wala akong regrets na natry ko yun gawin? Ang selfish ko ba? 🥺
2026-06-01 09:18:14
145
aya.diaries :
Simula nung naging nanay ako. Grabe yung pagod, I worked hard for my life before pero iba yung pagod pag nanay na. Yung feeling na Im stuck on my own life. Diko na kilala sarili ko, I feel lost and lonely.
2026-06-01 11:44:10
209
Virgo :
Ang hirap maging magulang habang nagluluksa 💔
2026-06-01 02:42:52
121
gheron :
bilang anak,, ang sakit nito Lalo na hndi sila showy sa totoong nararamdaman Ng mga nanay at tatay natin! tagos! 🥹
2026-05-31 23:05:43
35
JUNA :
nun naging magulang ako na realized ko dapat pala mag tira din para sa sarili para maging version ka ng parent na gusto mo para sa anak mo.. Mom thought me na dapat lahat ibbigay sa anak pero lagi ko sya nakikitang galit at mainit ang ulo, i remember telling my self pg naging nanay na ko di ako magiging ganun, ngaun magulang na ko mahirap pala di maging mgagalitin lalo na pag pagod ka na kya i promised myself na bibigyan ko ng time sarili ko para maging best version ako ng sarili ko para sa mga anak ko.
2026-05-31 23:28:36
180
vvdiannelsjean :
real emotions to. kylie as a daughter from a broken family, and albert who lost the love of his life.
2026-06-03 04:13:26
9
Para C. Tamol :
Mahirap maging magulang habang nagluluksa 🥺💔
2026-06-01 11:34:32
13
EⓂ️EⓂ️ :
As a papa’s girl grabeee ang iyaaak ko dito hanggang matapos 🥺 the best movie in Netflix 👌😢 kaya hanggat nabubuhay ang magulang kahit anong pagkakamali nila suklian ng magagangdang memories at sobrang pagmamahal ❤️🫶🏼
2026-06-03 23:51:52
7
annroxan online store :
Lagi kang walang karapatan mapagod 😭😭😭 laging kelangan malakas ka kahit pagod n pagod ka na😭😭😭 kelangan malakas ka kahit hindi mu na kaya dalin lahat ng sakit 😭😭😭😭
2026-05-31 23:52:24
25
RainNah40 :
"mahirap maging magulang habang nagluluksa."😭
2026-06-01 00:28:33
7
Glydel Reyes - Rampas :
Masaya maging isang magulang especially maging nanay pero in some parts malungkot dahil kapag may problema o pagod ka walang ibang makakaintindi sayo kundi ang sarili mo lang din mahirap minsan mag voice out kasi parang iniisip nila drama or arte lang pero dahil may anak ka hindi ka pwedeng maging mahina kasi sayo lang sila umaasa at masakit kung makikita ka nalang mahina sa mga pagkakataong nakakaramdam ka ng panghihina. 🥺
2026-06-01 11:15:53
13
Working Nanay :
Walang manual sa pagiging magulang… mga anak please understand, we are all trying here 💕
2026-06-01 05:56:28
9
Christina Nuñez :
as a mom , diko na alam kung sino ako pag labas ng bahay namin. Parang wala nakong ibang purpose, I'm just a mom.
2026-06-06 08:57:46
8
Maria Yashi 🐶🌸 :
True , kaya We prefer one and done para din mas maluwag kahit paano sa amin, financially and even time for ourselves. Naniniwala kme hindi natatapos ung self love pag magulang ka na
2026-06-01 12:01:29
6
CoLin Zamora :
Hirap maging magulang. Nung una akala ko easy lang pero nung nagung nanay na ako ang hirap pala. Wala na ako time para sa sarili ko kasi puro work para makapag provide at the same time nag alalaga sa anak. Hirap kasi may partner ako pero parang ako lang mag isa sa lahat
2026-06-02 06:03:51
5
ᵖˡˢ Ren :
I always told my mom na wag ibigay samin lahat na kailangan mag tira sya para sa sarili nya 🥹
2026-06-01 00:02:46
6
Elaine P. :
Nakaka iyak, now na parents na din ako dun ko na appreciate at naintindihan mga magulang ko. Kasi grabe ang sakripisyo kapag magulang kana lagi mong uunahin anak mo.
2026-05-31 23:57:15
5
Luna :
Ang sakit! Bilang panganay na anak na wala pa masyadong naitulong sa magulang at hindi ko man lang masabi kung gaano ko sila kamahal at the same time magulang na din ako yung ginagawa ni mama para sa amin at kung ano yung mga tiniis ni mama dati naranasan ko na din ngayon. Grabe ngayon ko lang na realize na ang hirap pala ng pinagdaanan ng nanay ko, na realize ko na ang hirap din pala maging magulang na halos lahat gagawin mo para sa anak mo🥺
2026-06-01 02:15:31
29
𝙿𝚛𝚎𝚝𝚝𝚢𝚕𝚒𝚌𝚒𝚘𝚞𝚜 🎀 :
Bilang lumaki sa broken family sobrang ganda panoorin nito bawat linyahan sobrang tumutulo luha ko😭 Walang perpektong magulang totoo yun pero ang magulang na sinusubukan at ginagawa ang lahat para sa anak yun talaga ang pinakamahalaga. Kasi at the end still magulang mo parin yan, anak mo parin yan and yan yung dapat mas pinapahalagahan yung maayos na relationship between Parents and children. Alam kong hindi lang ako yung lumaking hindi masyado attached sa parents, alam kong marami din jan kaya sobrang hanga ako sa mga magulang na kahit nagkakamali, kahit nagkukulang pinipilit parin maging magulang kasi yun naman ang dapat😭
2026-06-01 16:40:12
7
bbq🌷 :
iba yung pagod kapag mom kana, grabe hindi mo alam kung san kaba talaga pagod, sa responsibility mo as a mom, or as a daughter or as a partner. Idagdag mo pa yung pangarap mo na hindi ka sure kung matutupad mo ba lalo na kung full time mom ka. Nag stop ako mag work para sa baby ko and walang pagsisi yon. Minsan di lang talaga maiwasan malungkot kapag madami kang bagay na hindi mo magawa.
2026-06-01 14:19:21
33
bb_sshi :
kaya as a working mom, tuwing weekend talaga I consistently find time for myself, yung ako lang talaga, kasi at the end of the day yung sarili mo lang at si Lord talaga kakampi mo.
2026-06-01 08:09:42
7
Angelbrandnew :
Simula nung naging nanay ako, hindi ko na pala alam ang gusto ko para sa sarili ko 😅 habang abala akong umiikot ang mundo sa kanila, ay na pag iiwanan na pala ako 😅 na stuck nalang kumbaga. Sa sarili ko lang naman to. Don’t get me wrong ah I have a very supportive husband, mapagmahal at responsable. Pero yung sarili ko talaga ang kalaban ko dito. Nag simula na akong mawalan ng gana sa ibang basta patungkol sakin, like gustong bilhin para sa sarili, gusto marating para sa sarili. Wala na. Ang iniisip ko lang palagi, kailangan kong alagaan sila at hindi ko yung pinag sisisihan. Masaya maging nanay pero asahan mo na kailangan mong iwan ang sarili mo para makasabay sa kanila, sa pamilya mo.
2026-06-03 11:14:13
7
leen :
I’ve changed simula nung naging nanay ako kasi sa anak ko nalang umiikot mundo ko, in our little family. Kahit napapagod, kahit may sakit, kahit nalulungkot, kahit nahihirapan inuuna ko pa din maging nanay para sa anak ko and wala akong pinag sisisihan. Kasi yung fulfillment na I can see my son growing up and how he cherish me as his mom, yun na yung reward.
2026-06-03 04:13:37
6
To see more videos from user @mitchie0714, please go to the Tikwm
homepage.