@vincenteditz.1: Akala mo ba gusto lang nilang magbabad? Heto ang totoong dahilan kung bakit mahilig sa putik ang mga kalabaw! 🐃🌧️ Sinasabing ang kalabaw ang pinakamatalik na kaibigan ng magsasakang Pilipino. 🌾🐃 Pero alam mo ba kung bakit hilig na hilig nilang lumubog sa tubig at putik? Hindi lang ito dahil sa nag-e-enjoy sila, kundi dahil wala silang sapat na sweat glands para magpawis at magpalamig ng katawan! Bukod sa bansag na 'Water Buffalo' at sa kilalang katagang 'kayod-kalabaw,' alam mo bang napakalambing din nilang hayop na parang mga aso kapag inaalagaan? Saludo tayo sa walang pagod nilang kontribusyon sa ating mga palayan! Panoorin ang buong detalye sa video. ✨❤️ #creatorsearchinsights #xyzcba #ehmagkano #aligntmotion #philippines