@rachellalvaroladores: ⚠️ FOR AWARENESS SA MGA KAPWA NATIN MAY TINDAHAN ⚠️ Bagong modus ng mga scammer kunwari anak sila para hindi halata. May lumapit na isang matanda sa tindahan ko at may kausap siyang lalaki sa cellphone. Nagpapacash in siya ng ₱40,000. Pagkarinig ko pa lang ng halaga at dahil may nag-uutos sa kanya sa kabilang linya, agad akong naghinala na posibleng scam ito. Pinapautos ng kausap niya na isend muna ang ₱40,000 at saka pa lang daw ilalabas o ibibigay ang pera. Dahil kahina-hinala ang transaksyon, hindi ako pumayag. Hanggang sa nagalit na ang kausap ni tatay sa cellphone dahil hindi niya nakuha ang gusto niya. Paalala po lalo na sa ating mga senior citizens at kanilang mga pamilya: huwag basta-basta magpadala ng pera o sumunod sa utos ng mga taong hindi personal na kilala, lalo na kung may minamadali o ipinapangakong kapalit na pera. Maging mapagmatyag po tayo at ipaalam sa ating mga mahal sa buhay ang mga ganitong modus upang maiwasan nating maging biktima ng panloloko. #ScamAwareness #MagIngatSaScammer #CashInScam #forawareness