️ :
23 yrs. old, kaka enroll ko lang ulit at second year student nanaman. Nakikita/nababalitaan ko na lahat ng kabatch ko e may work na, board passers, nagpapakasal, nagkakapamilya, financially stable na, nakakapagtravel, atbp. Sobrang nanliliit na talaga ako, kahit hindi sabihin ng magulang ko alam kong pagod na rin sila, bago ako mag stop, balak ko pa sana mag enroll ulit but kailangan ng DP that time, sabi ng tatay ko "hindi ko na kaya", "napapagod nako" that's the reason why I stopped. Pati pamilya namin gumugulo na, ESPECIALLY NOW. Pasukan na namin sa 15 at aalis nanaman nanay ko, tumatanda na magulang ko, nakapasa na sa thesis yung mga mas bata sa'kin, ako papasok nanaman ulit, 2ND YEAR NANAMAN, hindi ko na rin alam kung kaya ko pa, hindi ko rin alam kung may potential pa ba ako?gusto ko naman mag excel pero hindi ko na talaga alam kung paano. Wala pa kong naa-achieved, at naiinggit na rin nanay ko sa ibang kaibigan ko "nakapasa pala si ganito, ikaw kaya?", "kung ganyan ka rin sana". Sorry Ma, nagtatry naman ako pero diko na rin alam kung may patutunguhan pa ba ako, nawawalan na rin ako ng pag-asa, hindi ko na makilala sarili ko, pasensya na talaga. Pagod na si ate, sinong sasalo kay ate kung wala anman "ate" si ate?
2026-06-06 17:12:41