@tupaknows01: BREAKING: BRAVE 18, DUMATING NA SA SENADO Dumating na nitong Lunes, Hunyo 8, sa Senado ang grupong tinaguriang “Brave 18” o mga dating sundalo na inaasahang haharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee Gatchalian Bloc na pinamumunuan ni Senador Erwin Tulfo. Ang kanilang pagdalo ay naganap sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa Senado kaugnay ng magkatunggaling kampo na kapwa nag-aangking may lehitimong pamumuno sa Blue Ribbon Committee. Pagdating sa Senado, muling nagpahayag si Atty. Baligod ng kanyang paninindigan at iginiit na hindi mababago ng sinuman ang mga katotohanang kanilang ilalahad. “They may bend the law, but they cannot bend the facts and the truth.” #18marines #18marinestestimony #blueribboncommittee #labanparasabayan🇵🇭 #senateinvestigation