@gmanews: 'ISANG SAGLIT LANG, ANG PANGARAP NG AKING ANAK WINASAK NILA.' Nagdadalamhati si Rovelyn Baterbonia, ina ng Ateneo Men’s Basketball Team player na si Rene Baterbonia, matapos ang pagkamatay ng kaniyang anak sa isang aktibidad na inilarawang bahagi ng team “training.” Ayon kay Rovelyn, marami pa rin umano siyang tanong tungkol sa nangyari sa kaniyang anak, kabilang na kung bakit hindi ito agad nasagip at kung bakit umano may mga pabigat na nakakabit sa mga kamay at paa nito habang lumalangoy. Nanawagan siya ng hustisya at masusing imbestigasyon upang mabigyang-linaw ang insidente. Bisitahin ang www.gmanetwork.com/news para sa updates.