MATTRALPH :
@D-boo: Naglalakad sa mundo, naghahanap ng pagbabago.
Payak na reyalidad, tumambad sa mukha ko.
Nilamon ng ilusyon na lubhang nakagagago,
Parang tama ng damo, unti-unti nang naglalaho.
Ako ay nalilito, teka lang, nasaan na ba ako?
Mga palaisipan ay sinusulat sa tula ko.
Baliw sa paningin ng mga uto-utong tao,
Mga ulong utak-aso, ang sarap nilang isako.
Lasing sa mga "paano kung" ang ulo'y umiikot,
Tinutuklas reyalidad na masalimuot.
Parang bata na ako, nagtatago sa aking kumot,
Nagtatago sa katotohanang nakakatakot.
Pilit kong nilalaban, lason sa aking utak,
Hulog sa patibong na akit sa halimuyak.
2026-06-17 16:27:16