@itzzdonutt_: “Sumpa ang maging mahirap para sa batang may mataas na pangarap” Sabi nila, mangarap ka nang mataas, wala namang bayad ang pangarap. Pero hindi nila sinabi na may presyo pala ang pag-abot dito. Dahil sumpa ang maging mahirap para sa batang may mataas na pangarap. Habang ang iba'y may sariling mesa, ako'y nakikihiram ng espasyo. Habang ang iba'y may mga libro, ako'y paulit-ulit na binabasa ang iisang pahina ng pag-asa. Hindi dahil kulang ako sa talino, hindi dahil kulang ako sa sipag, kundi dahil minsan, ang pinakamalaking hadlang sa pangarap ay hindi ang kakayahan, kundi ang kahirapan. Nakakapagod mangarap kapag ang tiyan mo ang unang nagugutom. Nakakapagod magplano ng kinabukasan kapag ang iniisip mo ngayon ay kung saan kukuha ng pamasahe bukas. May mga gabing imbes na reviewhin ang mga aralin, binibilang ko ang mga problemang hindi ko naman dapat pasan. May mga umagang ngumingiti ako sa klase, kahit kagabi'y umiiyak akong tahimik, dahil pakiramdam ko, mas mabilis tumakbo ang oras kaysa sa pagkakataong dumadating. Ngunit alam mo? Hindi sumpa ang kahirapan dahil pinahinto nito ang pangarap. Sumpa ito dahil araw-araw nitong sinusubok kung gaano katatag ang isang batang ayaw sumuko. At ako— kahit ilang beses akong ipinagtabuyan ng kakulangan, kahit ilang beses akong pinaniwala ng mundo na hanggang dito na lang ako, patuloy akong mangangarap. Dahil ang mga taong ipinanganak na salat ay natutong gumawa ng himala mula sa kakaunting meron sila. At balang araw, kapag narating ko ang lugar na minsan ay hanggang tingala ko lamang, hindi ko sasabihing "swerte ako." Sasabihin kong, "Naging mahirap ang buhay, pero hindi nito nagawang paliitin ang laki ng aking pangarap." #fyp #poetry #foryou #foryoupage #fyppppppppppppppppppppppp
maelynnxx
Region: PH
Wednesday 10 June 2026 11:33:38 GMT
Music
Download
Comments
🕷️ :
i’m in 8th grade and i have always wanted to pursue architecture. i’ve seen my parents struggle with my older siblings’ tuition & needs. my older brother wasn't even able to get in college because he needed to work early. even after all that, we were still struggling. hindi kami umaangat, mas lalo kaming humihirap. with what i’ve seen with my family struggling financially through out the years, hindi ko alam kung matutupad ko pang makamit ang pag aarkitektura.
2026-08-05 06:49:50
51
Dri3Xlel :
permission to copy poo🥺
2026-09-14 07:24:53
0
Zacar :
Bakit kailangan maghirap para lamang sa ating mga pangarap:(
2026-08-20 17:28:55
2
@ :
sobrang hirap na nga mas lalong tayong pinapahirapan
2026-07-31 12:57:46
11
sanlibong tala📸 :
title poo ng font 🙏🥹
2026-07-13 11:16:28
2
M :
growing up, Im shy to tell my mom to buy me something for 20pesos
2026-08-22 10:43:53
0
Jazel Rain Carrascal :
nakakapagod na
2026-08-11 02:11:27
1
leon :
sa pagiging mahirap kaya naging mataas ang pangarap
2026-08-30 02:47:49
2
@_phbgits :
hindi dahilan ang mahirap sa batang may pangarap.☝🏻
2026-08-28 14:09:26
2
G˚_.t3pXoxo :
literall, tinanong ko Kay papa, pa pano ako magc-collage Tas sagot n'ya may kidney nmn daw s'ya..🥹
2026-08-02 05:33:27
6
•Marck_nificents453 :
hindi natin kasalanan kung pinanganak tayong mahirap, pero kasalanan na natin kung ma-mamatay tayong mahirap❤️
2026-08-04 15:27:36
4
haha. :
2026-07-30 16:19:03
1
dianoo :
2026-07-19 18:01:52
2
avvyyq_ :
2026-07-19 18:57:04
1
¥ :
kaya nga ayan ang dahilan para mas taasan pa ang pangarap dahil MAHIRAP MAGING MAHIRAP.
2026-07-30 19:52:23
1
s_acey19 :
Sumpa talaga huhuhu, Ang malas-malas naman ng buhay oh oh, aalis si ate sa trabaho niya abroad kasi kinakawawa siya dun and binubugbog ng alaga niya, wala siya choice kundi umuwi na lang bago pa may mangyari sa kanya dun. Naawa ako sa kanila ni mama, kasi nasa college pako 3rd year and yung bunso naman namin mag college na rin next SY, sorry ng sorry si ate kasi Hindi niya raw muna matutulungan si mama sa pagaaral ko ngayon huhuhuhu, nakaka guilty wala man lang ako magawa, gusto ko mag working student sana pero Hindi Kya ng schedule😭, tapos Hindi pa ako nakukuha sa mga scholarship na inaaplyan ko, taina buhy naman to oh, kailan ba matatapos Ang mga problems huhu. SKL Ang bigat na kasi talaga wala ako mapagsumbungan ☹️
2026-08-20 10:39:14
2
Jakko. :
Hindi sumpa kung lalakipan ng gawa at pag papanata sa Diyos.
2026-09-16 10:59:54
1
Jazel Rain Carrascal :
😢😢😢
2026-08-11 02:11:36
1
꒰ა 𝓪𝓷𝓰𝓮𝓵𝓪𝔂𝔂𝔂 ໒꒱ :
😭😭😭
2026-08-27 08:59:09
1
To see more videos from user @itzzdonutt_, please go to the Tikwm
homepage.