@balitaphl: Brandon Espiritu, tinira; Pinas, walang chance sa national pageants kung walang 'halfies?' Naging sentro ng diskusyon sa social media si Mister Supranational Philippines 2024 Brandon Espiritu matapos mag-post ng komento niya tungkol sa mga kalahok sa mga beauty pageant na may dugong banyaga o tinatawag na “halfies.” Si Espiritu, na isang male pageant title holder, ay isang Filipino-American. Nag-ugat ang kontrobersiya matapos mag-viral ang isang komento ni Espiritu sa Instagram post ng isa pang Filipino-American model, fitness personality, at beauty pageant titleholder na si Jether Palomo, kung saan sinabi niya na mahihirapan umanong makipagsabayan ang Pilipinas sa pambansang kompetisyon kung wala ang mga Pinoy na may kalahating dugong dayuhan. Si Jether ay madalas na sumasali sa male pageants at kinakatawan ang Pilipinas. Siya ang kinoronahang Mister Pilipinas Global 2025 at naging kinatawan ng bansa para naman sa Mister Global 2025, kung saan umabot siya sa Top 11. Bago ito, nakilala rin si Palomo bilang grand winner ng Century Tuna Superbods 2024, isang prestihiyosong fitness competition sa bansa. Noong 2023, nagtapos siya bilang first runner-up sa Mister Tourism World 2023 na ginanap sa Brazil. Going bck sa isyu, saad ni Jether, "I pledge allegiance to the flag" na tumutukoy sa bandila ng Amerika, na ang isyu ay tungkol sa isang segment kung saan pinakakanta sila ng isang kanta mula sa kanilang native language. Mababasa naman ang komento rito ni Brandon na "raise that flag brother." Isang netizen naman ang umentrada at nagkomentong, "The question is at least one of you represented the Philippines but no one sang in Tagalog. Mababasa naman sa komento ni Brandon, "because we aren't from the Philippines. Why would we lie." Balik na komento naman ng netizen, "then you should have represented your country." “Tell that to all the front runners for the Philippines. This country wouldn’t have a chance on the national stage without us halfies,” banat naman ni Brandon. Dahil dito, maraming netizen ang nagpahayag ng pagkadismaya at kinuwestiyon ang implikasyon ng kaniyang pahayag. May ilan ding nagsabing tila minamaliit nito ang kakayahan at tagumpay ng mga Pilipinong buong dugong Pinoy na matagumpay na nakapagbigay ng karangalan sa bansa sa iba't ibang internasyonal na kompetisyon. Na-screenshot din ng mga netizen ang naging komento rito ni Miss Universe Philippines 2024 1st runner up Stacey gabriel at renowned Filipino fashion designer-artist Michael Cinco. "Disgraceful. You either embrace your Filipino heritage fully when you represent us or you don’t at all. This term 'halfies' is a destructive, racially-motivated word designed to needlessly segregate us," ani Stacey. "The nerve of these ordinary-looking guys acting superior when they don’t even look like they have any foreign ancestry... They only come to the Philippines to build a career and gain followers...DUHHH..." saad naman ni Michael Cinco. Habang dumarami ang kritisismo, agad namang naglabas ng pahayag si Espiritu upang humingi ng paumanhin at linawin ang kanyang naging komento. Ayon sa kaniya, pabigla-bigla niyang nasabi ang naturang pahayag at nauunawaan niya kung bakit marami ang nakakita rito bilang isang kawalang-galang. “I am proud to represent the Philippines and proud of my Filipino heritage. The last thing I would ever want is to diminish the accomplishments of Filipinos, whether they are full Filipino, mixed Filipino, or anyone who has had the honor of carrying our flag on the international stage,” saad ni Brando. Binigyang-diin din niya na hindi niya kailanman layuning maliitin ang mga nagawa ng mga Pilipinong kumatawan sa bansa sa iba't ibang pandaigdigang patimpalak. Kasabay nito, nakiusap siya sa publiko na huwag idamay ang mga negosyo, katuwang, empleyado, at iba pang grupong may kaugnayan sa kaniya dahil wala umano silang kinalaman sa naging kontrobersiya. Sundan sa balita.mb.com.ph #BrandonEspiritu #halfies @Manila Bulletin
Balita
Region: PH
Wednesday 10 June 2026 12:45:00 GMT
Music
Download
Comments
maisonpoussey :
2026-06-10 20:00:32
2
masalomeadan :
2026-06-10 22:17:17
1
🥰 :
pers
2026-06-10 14:22:34
0
M A R I E :
Oppurtunista
2026-06-10 21:52:46
1
sony ericson :
gwapong gwapo Ka ahh
2026-06-11 13:28:47
0
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm
homepage.