@tedstimony: The older I get, the more I realize that honoring our parents isn't really about being a good kid. It's about having a grateful heart. Noong bata ako, akala ko ang ibig sabihin ng "Honor your father and mother" ay simpleng pagsunod. Sumunod ka. Wag sumagot. Wag magreklamo. Pero habang tumatanda ako, mas naiintindihan kong mas malalim pala iyon. Because obedience is about actions. Honor is about value. Pwedeng sumunod ang isang tao pero puno ng sama ng loob. Pwedeng gawin niya lahat ng tama pero wala namang pagmamahal, respeto, o pasasalamat sa puso. At pwede ring hindi na nakatira sa bahay ng magulang, may sarili nang pamilya, may sarili nang buhay, pero pinipili pa ring magbigay ng honor. Sa totoo lang, mas naging meaningful sa akin ang command na ito nang marealize kong walang perfect na magulang. May mga pagkakataong hindi nila tayo naintindihan. May mga pagkukulang. May mga sugat. May mga salitang sana hindi nasabi. May mga pagkakataong sana mas naging present sila. Pero kapag tiningnan ko rin ang sarili ko, napapaisip ako. Hindi rin naman ako perpektong anak. At doon pumapasok ang biyaya ng Diyos. Kasi ang honor hindi naman tungkol sa pagde-deny ng sakit o pagpapanggap na okay ang lahat. Hindi rin ibig sabihin na tama lahat ng ginawa nila. Minsan, ang honor ay forgiveness. Minsan, respect kahit may disagreement. Minsan, choosing to speak kindly kapag mas madaling manumbat. Minsan, simpleng pagtawag para kumustahin sila. Minsan, pagdarasal para sa kanila. Napansin ko rin na habang tumatanda ang parents natin, mas nakikita natin ang mga sakripisyong dati hindi natin napapansin. Yung mga puyat. Yung mga pag-aalala. Yung mga bagay na tahimik nilang ginawa para lang maibigay sa atin ang mas magandang buhay. Parang hangin. Hindi mo gaanong napapansin habang nandiyan. Pero kapag nawala, saka mo mararamdaman kung gaano kahalaga. Kaya kung blessed ka na nandiyan pa ang parents mo, wag mong hintaying may espesyal na okasyon bago mo sabihin ang "Thank you." At kung complicated ang relationship mo sa kanila, dalhin mo iyon sa Diyos. Siya lang ang marunong magpagaling ng mga sugat na hindi kayang abutin ng panahon. Sa dulo ng lahat, honoring our parents is not about pretending they're perfect. It's about remembering that God used imperfect people to become part of our story. And a grateful heart never forgets that. #HonorYourParents #ChristianLiving #FaithInAction #Discipleship #Tedstimony
Tedstimony
Region: PH
Thursday 11 June 2026 11:51:55 GMT
Music
Download
Comments
jepoy :
Not applicable to everyone. I have forgiven but I can't surrender my peace. The same toxicity the same issues hanggang ngayon. I chose to step away. 20 years ago. Faced everything on my own. I reach out but same triggers cause my emotions to get out of control. I hope someday somehow healing comes. SANA
2026-06-12 14:46:52
268
143HearteShop :
This breaks my heart because this is also not applicable in our situation.
2026-06-17 16:54:36
7
I’m_Your_Guncle Dave :
during our devo, we've talked about this same topic- and at that time i am very sensitive to talk about this about my Mom becuase for me its a very sensitive territory. Dami kong sakit na naranasan- a lot of things have been said and done on both sides. I haven't talk to my mom in years. I felt very distant to her. Pero I realized, I cant do it alone- That why I needed God to heal me in this areas of my life because I cant do it on my own. until slowly I surrender it all- I prayed, until one day na realized ko- unti unti gumagaan ang bigat na dala-dala ko. di pa man kami completely healef pero alam ko sa puso ko darating ang panahon In Gods perfect time. maayus din lahat.
2026-06-12 01:14:38
34
idkbeyyy :
I grew up in a household ran by a religious old woman — my grandma. That’s how I knew God. Pero narealize ko na I just actually knew Him in my late 20s. Hindi ako close sa parents ko. I moved abroad to stay away from them. Though I used to be close with my mom. My faith in God is not a steadfast journey. I found Him in times na I had no one else, not even myself. That time, puno ako ng galit sa parents ko. Every time I open up to them, either wala akong makuhang sagot o babaligtarin lang nila ang mga sinabi ko or invalidate me. Sabi ko noon, I don’t know how to forgive them anymore. Humupa na siguro yung galit. What was left was indifference nalang. And somewhere along the way, nakalimutan ko na paano pa sila patawarin. Lalo na’t wala naman akong nakuhang apology. The longest time na wala kaming contact is probably 4 years. Around that time, I started focusing on God again. Something I apologized for kasi sabi ko kay God, sorry dahil madalas naaalala Kita kapag sobrang wala ako. Then something in me shifted. Suddenly, napagod na akong magalit. Biglang gusto ko nalang ng peace. I talked to my mom. I forgave her. I told her I forgave her. Genuinely. God did wonders to my life after that. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. I still didn’t get a direct apology. My sentiments weren’t completely acknowledged. But I chose to forgive. But it doesn’t mean I’ll forget. Sabi nga, it takes more courage to forgive someone who didn’t apologize. Whenever I feel na masyado akong nagiging matigas, I humble myself by reminding myself na kung ang Diyos nga nagpatawad, ako pa ba?
2026-06-13 02:54:16
12
Liz :
you can forgive, but honor, honestly I don't know. as a parent, Kasama lagi sa prayer ko na sana mapatawad Ako ng anak ko sa mga naging shortcomings ko as a mother. I never demanded nor impose sa daughter ko na patawarin nya Ako. I gave her space, time and I respected and acknowledge how she felt during those times and I also let her know that what she feels is valid. it was a difficult time for both of us, she was hurting and I was blaming myself. until now, both of us are trying our best to have a good relationship, and if there is one thing I've learned through all this, I was never ashamed to ask for her forgiveness kahit Ako Yung nanay, I admitted and accepted all my shortcomings and I've worked hard to let her feel, see and know na mahal na mahal ko sya.
2026-06-13 09:42:31
27
nobody :
I tried to reach out pero usap konte then bigla kang aawayin ulit makaka tanggap ng masasakit na salita ulit paulit ulit.
I want to protect myself and I want peace. Sorry kung mukhang masama. But I always include them to my prayers naman. Sana di magalit sa akin si Lord sa akin.
2026-06-12 23:10:24
64
simpoL🌿💚 :
I've done this for so long yet they pushed me to the edge that I no longer feel their presence as parents. Honoring them is too hard now
2026-06-17 00:16:38
7
ndo :
I chose to live on my own because I had reached my limit. The things said to me as a child, and even as an adult, stayed with me. Every time I think about them, they make me feel small all over again. I’ve been living alone for three years, and the peace I’ve found is worth more than reconnecting. I have no regrets.
2026-06-13 03:40:03
6
healthymomcy :
im a mom now, i feel it is harder to become an eldest daughter than being a mom. i want to follow God, I keep on trying but for them it is always not enough.. I forgave them from the hurtful memories but i want to protect my own family now, i want to live with my own family without that family chaos, i will do everything for my kid.
2026-06-13 00:32:09
6
cinnamon-rolss🇸🇦🇭🇰🇳🇱🇹🇼 :
ang hirap po ng tanong nyo? 🥲
2026-06-11 13:17:00
6
Life with Chin :
yes i just forgive them , walang school para sa parent para turuan sila para maging mabutin parent , one thing i realize nasaakin ang decision ng buhay ko , kung patuloy ko ito dadalhin yon sama ng loob mahirap mamuhay ,kaya ginagawa ko una i forgive myself and accept the reality of life and then i forgive my parent for what they done kahit hindi ako makarinig ng sorry from them its okay kasi i forgive them to my heart and mind , kaya sarap mamuhay ngayon walang bitbit na mabigat , forgiveness is the ultimate gift for yourself
2026-06-19 23:26:53
17
A♡ :
I honor them in so many ways, not because there were my parents, it's because they also need healing inside and out, they're also God's children and i hope some day i can bring them to God.. I always pray for them khit naay time na i can't understand them, i will always love them..
2026-06-19 01:00:09
5
Toshiro :
Ay NOOOOO.. wala akong ibang maramdaman kundi sama ng loob. Na sana kung totoo man ang next life, sana hindi magtagpo mga landas namin.
2026-06-12 13:19:07
13
tired_exhaust :
Masama ba ko if i said I’m tired. Dont get me wrong, I love both my parents pero at my age, hindi ko pala alam yung gusto ko. Yung gusto ko sa sarili ko. Kasi growing up, all i think is yung maging okay sila yung maging happiness at maging komportable sila. Pero ngayun ko nararamdaman yung pagod, yung hirap. I love them, God knows yung mga sacrifices ko. Pero ang hirap pala no? Sarili ko diko kilala, yung pangarap ko for myself ano nga ba? I hope people wont experience the things I have now kasi alam ko masama to and hindi ko dapat naiisip to pero nakakapagod pala.
2026-06-14 00:53:17
5
fhia :
siguro mag he heal din ako sa narasan ko sa mga magulang ko .. in Gods perfect time 🥺hindi biru kase iwan nila reponsibilidad nila samen lalo na sa mga kapatid ko ..ako ang panganay kaya napaka bigat sakin sobra🥺
2026-06-12 02:44:27
12
Grace :
Very timely na dumaan ito sa feed ko.
2026-06-12 13:25:25
5
Li_yang :
HONORING them not just respecting them kasi may limitation , but Honoring your parents even they are NOT perfect. Love them UNCONDITIONALLY like How GOD Loves us kahit na MA KASALANAN tayo, kahit na KAKAGALIT kahit UNFAIR , u will never be truly HAPPY in LIFE once nawala sila sa mundo tas di mo nasabi na MAHAL mo silaa at NAPATAWAD sila, its a regret habang buhay mo dala dala. Kahit maging sucess ka man inlife , magkaroon kaman ng lahat. 💜
2026-06-14 02:32:13
6
✧ninya✧ :
and i just realized na almost 8 years na din pala akong nasa healing stage na para bang walang plano si Lord na i-heal ako, and then boom oo nga pala, pano ako maghihilom kung hanggang ngayon galit parin ako sa kanila😭
2026-06-12 14:35:00
6
Ri in Jordan 🇯🇴 :
hindi aksidenteng dumaan tong post mo sakin sir, sobrang kailangan ko ng wordsof wisdom, sobrang pagud ako sa lahat pakiramdam ko pinagtitripan ako ng mundo im second to the eldest siyam kami magkakapatid, all my life ive been working para sa pamilya nagpapaaral ako ng mga kapated ko,dati sinasabi ko, malakas pa naman ako, wala akong hindi kayang gawin, pero dadating talaga pala sa puntong mapapagud at mapapagud ka kakahabol sa mga sitwasyon na ayaw mo nilang maranasan, wala akong ibang hiniling kundi mapaboti sila, pero kapalit nun pakiramdam ko nauubos ako, naiyak ako duon sa nabasa ko dito sa comment na " masama ba ako, if i said im tired 🥹🥹 🥹 kasi talagang di masukat ang pagud na nararanasan ko ngayon.
2026-06-14 14:14:12
4
Abcd1234 :
Hindi ako nakaranas ng pagmamahal ng magulang ko.. pero ayoko sila sisihin kung bakit…hindi maiwasan sumama ang loob ko kay God ako nagsasabi kung ano man yung nasa puso ko.. para iwas na mag isip na lng ayoko din na magsalita kung hindi ka naman ppaahalagahan..😔😔😔
2026-06-14 17:57:14
3
꧁༺𝓡𝓸𝓼𝓮༻꧂ :
same here☺
enebeyen na iyak ako😢
thank You Lord
praise the Lord!
2026-06-12 23:46:08
1
Rya Ellerie :
ito yung hindi ko naintindihan dati na walang perpektong magulang, lagi akong may hinahanap at expectations lalo na sa tatay ko, di ko naiintindihan kung bakit ganun sya minsan, kung bakit khit gaano kabigat nag lahat hindi bumitaw ang nanay ko sa kanya, lahat ng bagay napapansin ko sa kanya kinukumpara ko, may panahong nag aaway kami. Puro kapintasan lang nya ang napapansin ko pero yung kabutihan nya hindi ko pinahalagahan, hanggang kinuha sya sa amin saka ko lang narealize kung gaanong kabuting tao sya sa mga nakapaligid sa kanya, sa mga taong nakakasalamuha nya kahit saan, lahat sila may kwento ng kabaitan ng tatay ko. Huli na ang lahat, ang dami kong pinagsisisihan, tanggap ko na wala na sya pero yung pagkukulang ko sa kanya hanggang ngayon mabigat parin sa loob ko, hindi ko alam kung papano mag heal😭
2026-06-13 15:49:01
1
len :
Napatawad ko na sila pero diko ma'let go yung sakit na iniwan ako sa ere ng parents ko 🥲 both of them may sariling family na. Maaga akong namulat sa responsibilidad na buhayin at pag aralin yung sarili ko at sarili ko lang din yung kakampi ko. Ang hirap pero, I did it with God's grace 😇 very blessed and thankful ako sa mga taong binigay nya na naging instrument para kahit papano gumaan yung struggles ko sa araw araw. Salamat sa mga tulong na walang sumbat 🥹
Hindi ko alam kung hanggang kelan ko mararamdaman yung sakit na dulot ng lahat ng yun but I know that God will heal this part of me someday 🥺
2026-06-12 23:41:14
1
Kristine Jenica :
ang hirap. sa mga pinagdaanan ko bilang anak ng mama ko, parang nakapahirap ng tanong mo. hindi ko pa ata kaya.😔
2026-06-22 19:49:51
1
Nosyaj Ariola :
i build alone i choose to live alone kasi pag ksama ko sila parang ang gulo ng buhay ko kaya minsan we cant deny the fact na sa pamilya natin nagsisimula ang curse
2026-06-21 00:09:27
2
To see more videos from user @tedstimony, please go to the Tikwm
homepage.