jols :
Nagmakaawa ako na ayusin ang lahat, at paulit-ulit ko siyang pinatawad. Ilang beses kong pinili na maniwala sa mga pangako niyang magbabago siya, kahit sa bawat pagkakataon na pinapatawad ko siya, may parte sa akin na unti-unting napapagod. Sa halos dalawang taon namin, tiniis ko lahat dahil mahal ko siya at ayokong basta na lang sumuko sa relasyon na sobrang dami ko nang ininvest na oras, effort, at pagmamahal. Pero dumating ako sa punto na hindi ko na talaga kaya, kaya kahit sobrang sakit, ako na mismo ang tumapos.
Ang pinakamasakit sa lahat, siya na nga ang nag-cheat, pero sa huli ako pa rin ang pinalabas na may kasalanan. Sinasabi niyang wala raw akong oras para sa kanya, pero hindi niya alam kung ilang beses kong isinantabi ang sarili kong pagod para lang maibigay sa kanya yung atensyon na gusto niya. Ginawa ko lahat para lang hindi niya maramdaman na napapabayaan ko siya, pero sa kabila ng lahat, nagawa niya pa rin akong lokohin.
Mas masakit kasi habang ako, pilit na binibigyan siya ng oras kahit sobrang busy ko, yung atensyon niya naman laging nasa ibang tao. Laging nasa mga kaibigan niya. Ilang beses kong naramdaman na parang hindi ako yung priority niya. Kahit sa mismong first anniversary namin, yung araw na akala ko espesyal para sa aming dalawa, mas pinili pa niyang samahan yung mga kaibigan niya kaysa sa akin. Doon ko naramdaman na parang ako lang pala yung nagbibigay ng halaga sa mga bagay na dapat pareho naming pinapahalagahan.
Pinagtanggol ko pa siya sa parents ko kahit ayaw nila sa kanya. Ilang beses kong sinabi na hindi siya katulad ng iniisip nila. Pinili ko siyang ipaglaban kahit ako yung napapagalitan, kahit ako yung nasasaktan sa bahay. Ginawa ko ’yon dahil naniwala akong worth it siya, naniwala akong mahal niya rin ako. Pero sa huli, parang ako lang pala yung nagmukhang mali sa lahat. Ako yung nagbulag-bulagan, ako yung kumapit, at ako rin yung naiwan na nasasaktan.
2026-06-18 17:35:40