@kianhvac4: 😱😱😱😱😱😱 SEN. RAFFY TINIYAK NA HINDI KAYANG KONTROLIN NG MALACANANG ANG GATCHALIAN BLOC Mariing pinabulaanan ni Senador Raffy Tulfo ang pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano na umano’y nagsisilbing “Senate of Malacañang” ang grupong kinabibilangan ng Gatchalian bloc. Iginiit ni Tulfo na walang impluwensiya o utos mula sa Malacañang na sinusunod ang kanilang grupo at nananatili silang malaya sa pagdedesisyon sa mga usaping kinakaharap ng Senado. Sa panayam, sinabi ng senador na hindi kailanman nagpadikta ang kanilang hanay sa Palasyo. Aniya, mas nakikita niyang ang kabilang kampo ang naaapektuhan ng impluwensiya ng DDS at ng mga kilos ng mga kaalyadong troll network nito. “Never po talaga kami nagpadikta sa Malacañang. Siguro sila po nagpapadikta sa DDS kaya takot na takot sila. Kung ano ’yung lahat ng kilos nila, kung ano ’yung maniobra ng mga trolls nila, doon po sila sumusunod,” pahayag ni Tulfo. Lumabas ang pahayag ng senador bilang tugon sa akusasyon ni Cayetano na malapit umano sa Malacañang ang Gatchalian bloc sa gitna ng umiinit na usapin sa liderato ng Senado.