@davaocity86: CLAIRE CASTRO, SI MARCOS JR. UMANO ANG DADALHIN SA LANGIT Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang piniling dalhin ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa langit kung bibigyan siya ng pagkakataong pumili ng isang tao mula sa mundo ng politika. Sa panayam ni Boy Abunda sa programang The Interviewer, tinanong si Castro: “Sa mundo ng politika… If you can bring someone to heaven, sa langit, sino ang dadalhin mo sa langit?” Matapos sandaling mag-isip, sagot ni Castro: “Siyempre, isang tao lang muna. Siguro si ano—si Pangulong Bongbong Marcos.” Ang pahayag ay bahagi ng mas personal na panayam kung saan sumagot si Castro sa serye ng mabilisang tanong ni Abunda tungkol sa politika at mga personalidad sa gobyerno. Nauna na ring nagpahayag si Castro ng suporta kay Marcos sa parehong panayam nang sabihin niyang handa niya itong ipagtanggol hangga’t naniniwala siyang tama ang mga ginagawa nito bilang Pangulo.