@vizmingreencommunity: NAIA TERMINAL 3, NAIBENTA SA HALAGANG ₱48 BILYON Ang Manila International Airport Authority (MIAA) ang bumili sa 61-hektaryang lupa at pasilidad ng NAIA Terminal 3 mula sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa halagang ₱48 bilyon. Ito ay isang kasunduan sa pagitan ng dalawang ahensya ng gobyerno at hindi pagbebenta sa pribadong kompanya. Pormal na nilagdaan ng BCDA at MIAA ang transaksyon noong Hunyo 11, 2026 upang tuluyang mailipat ang buong pagmamay-ari ng Terminal 3 sa pamunuan ng paliparan. Magbibigay ang MIAA ng initial downpayment na ₱10 bilyon. Ang natitirang balanse ay huhulugan sa pamamagitan ng semi-annual installments sa loob ng 15 taon. Sakop ng bentahan ang 61 ektarya na kinalalagyan ng Terminal 3 sa Pasay City. Gagamitin ng BCDA ang kita para pondohan ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang pambansang proyekto sa imprastraktura. Dahil pagmamay-ari na ng MIAA ang lupa, mas madali na silang makakapagpatupad ng pangmatagalang pagpapalawak at pagsasaayos sa pasilidad nang walang hadlang sa isyu ng lease o upa. Bagama't ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) ni Ramon Ang ang kasalukuyang nagpapatakbo at nagpapaganda sa buong NAIA sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP), ang MIAA pa rin ang nananatiling regulator at may-ari ng mga asset ng paliparan.#bbm #marcosadministration #coruption #floodcontrol