@senatorbonggo: Sa kanyang kaarawan nitong June 14, 2026, Linggo, naglaan si Senator Bong Go ng oras para sa panalangin at pasasalamat sa buhay mula sa ating Panginoon. Hiniling niya ang patuloy na gabay, kalakasan, at mabuting kalusugan upang maipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa kapwa. Dasal din ni Senator Bong Go na matapos na ang gulo sa pulitika at makapagserbisyo na ang mga nasa gobyerno lalo na sa mga mahihirap, para makabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Pilipino. Nagpasalamat naman si Senator Bong Go sa lahat ng mga bumati sa kanya. Aniya, patuloy lang siyang magseserbisyo sa ating mga kababayan sa abot ng kanyang makakaya. Naniniwala si Senator Bong Go na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos. #SenatorBongGo #MrMalasakit #BisyoAngMagserbisyo🇵🇭👊