awunfrm_lp :
Alam niyo, minahal ko siya nang sobra. As in sobra. To the point na willing akong baguhin yung sarili ko para sa kanya. Tinanggal ko yung mga bagay na alam kong hindi niya gusto, inayos ko yung mga mali kong ginagawa, at kahit mahirap, ginagawa ko kasi mahal ko siya.
Hindi ko naman dini-deny yung mga mali ko. Oo, naging seloso ako. May mga pagkakataon na hindi ko na-handle nang maayos yung emotions ko, at alam kong nasaktan ko siya dahil dun. Pero sinabi ko rin sa kanya na magbabago ako. Kasi gusto ko talaga. Hindi dahil napipilitan ako, kundi dahil ayokong mawala yung taong pinakamahal ko.
Ang sakit lang isipin na parang wala na akong time para patunayan yun. Kasi let's be honest, real change doesn't happen overnight. It takes time. Hindi ka naman gigising isang araw tapos bigla ka nang ibang tao. Kailangan ng effort, consistency, at chance para mapakita mo na seryoso ka talaga.
Hindi ko sinasabing dapat niya akong hintayin. Naiintindihan ko kung napagod siya. Pero sana lang nakita rin niya na lumalaban ako. Na every day, sinusubukan kong maging better version ng sarili ko para sa kanya.
Hanggang ngayon, wala akong pinagsisisihan sa pagmamahal ko sa kanya. Kasi totoo yun. Genuine yun. Kung may pinagsisisihan man ako, yun lang yung hindi ko naipakita agad yung pagbabago bago siya tuluyang napagod.
I guess some people lose the person they love not because they didn't love enough... but because they ran out of time to prove they were really changing.
2026-07-08 02:04:55