@thelostories: Dalawang babaeng umano’y nagpakilalang mataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hinarap ni DPWH Secretary Vince Dizon matapos silang maaresto sa Davao City. Sa isang video call kasunod ng operasyon, kinuwestiyon ni Dizon ang mga posisyong inaangkin ng mga suspek at iginiit na walang “Chairman” o “Vice Chairman” sa istruktura ng DPWH. Naaresto ang dalawa sa loob ng DPWH Regional Office XI noong Hunyo 14 sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 11. Nahaharap sila sa mga kasong usurpation of authority at falsification of documents. Ipinapakita ng insidente ang pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na opisyal ng gobyerno upang manloko at makakuha ng impluwensya o pakinabang. #TheLOStories