@gmanews: BLESSING MUNA KAY TATAY ❤️💍 Ibinahagi ni YouScooper Shaira Ranoy ang isang espesyal na sandali noong Marso 1 sa General Trias, Cavite, kung saan bumiyahe pa umano ang kaniyang fiancé na si Emmanuel Tresvalles mula Pasig upang personal na hingin ang pahintulot at basbas ng kaniyang mga magulang bago siya tuluyang yayain magpakasal. Ayon kay Shaira, mas naging makahulugan ang kanilang engagement dahil sa ipinakitang respeto at sinseridad ni Emmanuel sa kanilang pamilya. Natuwa rin umano siya sa reaksiyon ng kaniyang ama na sa una ay seryoso at tila nakakatakot, ngunit kalaunan ay hindi naitago ang saya at maging ang luha nito para sa kanilang bagong yugto bilang magkasintahan. May kuwentong nakakakilig ka rin bang nais ibahagi? Ipadala na sa amin gamit ang #YouScoop. 🎥: YouScooper Shaira Ranoy