princezii :
Pero may tanong lang talaga ako… deserve ko ba talagang maranasan lahat ng ’yon? Deserve ko bang gabi-gabi tanungin ang sarili ko kung saan ako nagkulang? Hindi pa ba ako naging sapat? Do I really deserve all this pain?
Gusto ko lang talagang maintindihan, kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapigilang kuwestyunin ang sarili ko. Iniisip ko kung may mga bagay ba akong hindi nagawa, may mga pagkakataon bang nagkulang ako nang hindi ko namamalayan, o baka may mali talaga sa’kin. Ang hirap kasi na araw-araw mong tinatanong ang sarili mo kung bakit hindi ka naging sapat para sa taong ginawa mong mundo.
Wala naman akong ibang ginawa kundi iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal. Minahal kita sa paraan na alam kong totoo. Nag-effort ako, umintindi ako, naghintay ako, nagbigay ng oras, at sinubukan kong maging taong deserve mo. Kahit may mga pagkakataong napapagod ako, pinili pa rin kitang unawain dahil mahal kita.
Kaya hindi ko maiwasang isipin kung saan ba talaga ako nagkulang. Ano bang kulang sa’kin? O sadyang hindi lang talaga ako ang taong gusto mong piliin? Kasi kung may mali man ako, sana nalaman ko habang may pagkakataon pa akong ayusin. Sana sinabi mo sa’kin, kaysa hinayaan mo akong hulaan kung ano ba ang dahilan ng lahat ng ito.
Masakit kasi isipin na habang ginagawa ko ang lahat para iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal, unti-unti ko namang nawawala ang kumpiyansa ko sa sarili ko. Dumating sa punto na hindi ko na lang kinukwestyon ang nangyari sa atin, kundi pati na rin ang halaga ko bilang tao.
Hindi ko sinasabing naging perpekto ako, alam kong nagkamali rin ako sa ilang bagay. Pero totoo ring ginawa ko ang lahat ng kaya kong gawin para mahalin ka nang tama. Kaya sobrang hirap tanggapin na pagkatapos ng lahat ng effort, pagmamahal, at oras na ibinigay ko, ang naiwan sa’kin ay puro tanong na hanggang ngayon wala pa ring kasagutan.
2026-07-20 08:12:07