Jhon Frost❄ :
juskoo ko po, bakit nyo naman ni literal yung sinabi na "education is free" "libre lang mangarap", tas sasabihan nyo ng "libre daw yung education, ang mahal nga ng tuition" at yung iba pa. hindi po yun ganun mga ate at kuya. ang pinopoint ng "education is free" is access, hindi gastos. kundi hindi ka tatanggihan dahil mahirap ka.
Before, pag wala kang pang-tuition sa public, bagsak ka na agad. Ngayon sa K-12 public schools at state universities, wala nang tuition at misc fees dahil sa RA 10931 - Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Karapatan po, hindi pribilehiyo,
Dati edukasyon pang-mayaman lang. Ngayon sinasabi ng gobyerno: "Karapatan mo 'to kahit anong background mo". Yung "libre" dun tumutukoy sa karapatan mong mag-aral.
at dun sa may nag sabi na "projects, contributions, requirements, clubs lahat need ng pera para matapos 🤦♀️saan kaya free don" oo, yes, valid yang reason nayan. Yung "tuition-free" lang yung libre. Pero yung hidden costs nandyan pa rin: Projects: bond paper, print, materials. Transport: araw-araw na pamasahe. Gadgets & Internet: lalo nung online class. Baon, uniform, ID, org fees. Kaya nagmumukhang sarcasm yung "libre" kasi sa bulsa mo pa rin lalabas lahat.
tas itong salitang toh yung "Libre lang mangarap" Iba naman yun. Motivational line yan. Ibig sabihin:"Walang bayad ang mangarap. Kahit mahirap ka, pwede ka pa rin mangarap maging engineer, doctor, etc." Pero syempre sasagot mga tao: "Libre nga mangarap, pero yung tuparin? Mahal."
2026-07-19 17:21:40