@pandotpira: Pinopoong sinta niring kaluluwa, Nakakawangis mo’y mabangong sampaga. Dalisay sa linis, dakila sa ganda, Matimyas na bukal ng madlang ligaya! Edeng maligayang kinaluluklukan Ng galak at tuwang katamis-tamisan, Hada kang maningning na ang matunghaya’y Masamyong bulaklak, agad sumisikal Pinananaligan niring aking dibdib Na sa paglalayag sa dagat ng sakit, Di mo babayaang malunod sa hapis. Sa pagkabagabag ko’y ikaw ang sasagip. Ikaw na nga ang lunas sa aking dalita, Tanging maliligtas sa niluha-luha. Bun-ying binibining sinukuang kusa Niring katauhang nangangayupapa. Tanggapin ang aking wagas na pag-ibig, Marubdob na ningas na taglay sa dibdib. Sa buhay na ito’y walang nilala-ngit Kung hindi ikaw lamang, ilaw niring isip. At sa kawakasa’y ang kapamanhikan: Tumbasan mo yaring pagsintang dalisay. Alalahanin mong kung di kahabagan, Iyong lalasunin ang aba kong buhay. Iyong lalasunin… Ang aba kong buhay! #buhayguro #teacherslife #jocelynangbaliwag #ilawlessonplan #ilawlessonplangenerator
Pandot's TV
Region: PH
Saturday 20 June 2026 14:08:07 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @pandotpira, please go to the Tikwm
homepage.