KaHeL :
This is an open letter para sayo, kung mababasa mo man ito para sayo to.
I know na meron ng love, tahimik lang akong nagmamasid, madali kong nababasa yung mga galaw mo, simpleng notes, repost at kung paano ka mag react, nakakatuwa nga eh.
Oo, ikaw ang weird na tinutukoy ko, paano ba naman kasi wala akong masagot sa tanong na bakit ako, di ako attractive tulad ng iba.
Alam kong ikaw yung naka usap ko sa ibang pangalan.
Gusto ko na magkasama nalang tayo, yung best friend forever, ayaw kong masaktan ka, mabait ka, cute at alam kong may darating din para sayo.
Umiiwas lang ako na baka tuluyan ka lang ma attach at ayaw kong lumalim pa yung nararamdaman mo para sakin.
Sana maintindihan mo ako, wag ka sana mag tampo sakin, mas gusto ko na makasama ka at magkasama pa din tayo bilang mag kaibigan
2026-06-21 06:03:33