. :
he died exact December 25 last year, sobrang biglaan yung pagka wala niya. favorite apo ako, lagi niya akong iniispoiled, lagi siyang naka oo sakin. nung time na nakakapag-salita pa siya, sabi niya sa amin wag kaming umiyak kapag nawala na siya. nung mga December 18 na, nakauwi na siya ng bahay and inaalagaan namin kasi hindi pa naman talaga siya okay, December 19 pumunta ako sakanila kasi galing akong hospital dahil one week nakong nilalagnat, inalagaan ko siya. that time hirap na siya magsalita pero namumulat niya pa yung mata niya. mga December 23 otw palang kami papunta nga sa bahay nila, lagi niya daw binabanggit yung name ko, hinahanap hanap niya ako. and gabi nadin nag paalam na kami pinaka hawak niya yung kamay ko parang sinasabi niya mag stay muna ako and nung araw na to hindi na siya mabuhat para maligo, para umupo mabigat na yung katawan niya kaya siguro mga 3 days na siyang nakahiga nun. then nung pagka pasko na mga 10am na kami nakapunta sa bahay nila para icelebrate nga yung pasko, hindi na niya rin namumulat mata niya. mga 11 umalis kami ng ate ko para kunin yung anak niya sa asawa niya and nakabalik kami mga 12, tumabi ako agad kay lolo nun and kinausap ko siya sabi ko pagaling na siya kasi malapit na birthday niya. then mga 1:15 ganun pinag nebulizer siya, and ako umalis kami ng mama ko para bisitahin saglit yung mga pinsan ko. pagkabalik ko sa bahay nila lolo mga 1:40 na to, agad akong tumabi kay lolo kasi nagpapaalam nako na aalis na kami, kinakausap ko siya pero hindi siya tumatango dun and napansin kong hindi siya nahinga, maingay kasi huminga si lolo dun nako kinabahan. hinalikan ko noo niya and mas lalo akong kinabahan kasi ang lamig, natatakot ako that time kasi sabi ko maling isipin na wala na siya. 8 minutes siguro bago dumating yung mama ko para magpaalam na kay lolo sinabi kona parang hindi siya humihinga, confirm na wala na siya dun ako nagsimulang humagolgol isipin niyo yun ako yung favorite apo niya ako pa unang nakaalam na wala na siya. hanggang ngayon iniiyakan ko parin siya kasi some part of me hindi talaga matanggap.
dati every summer and walang pasok, sakaniya ako nagbabakasyon like every year to eh, pero this year wala na☹
2026-09-14 10:17:14