@dzxlnews: PANOORIN: Nilinaw ng Defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi sila ang dahilan ng delay ng pre-trial conference dahil sa kakulangan ng tauhan. Ayon kay Defense Spokesperson Atty. Michael Poa, hindi nila isinasantabi ang posisyon ng house prosecution panel na posibleng malabong matapos ngayong linggo ang pre-trial conference dahil aminado silang libo-libo ang mga dokumento na kailangang markahan sa ilalim ng article 1 o ang hindi tamang paggamit ng confidential funds. | via Conde Batac, RMN Manila #DZXLnews558 #RMNnews #TatakRMN