@ginaadvientosalasayo: Walang Hanggang Pagpupugay kay Rene... Mula Court Patungo sa Langit: Paalam Rene😭 Narito na tayo, Rene, sa araw ng iyong huling paglalakbay. Ang dating saksi sa iyong mga talsik ng pawis, mabilis na paggalaw, at tagumpay sa laro—ang basketball court na ito—ngayon ay napuno ng puting bulaklak, iyong mga tropeo, medalyang kinapagod mong paghirapan, at ng mga luha ng taong nagmamahal sa iyo. 😭 Alam naming hindi lang ito basta pagpapaalam sa isang mahusay na manlalaro. Ito ay pagpapaalam sa isang batang puno ng pangarap, lumayo sa Davao para iahon ang pamilya, nanatiling mabuti at mapagkumbaba kahit kinakaharap ang hirap, at hindi nag-atubiling maging bayani sa huling sandali ng kanyang buhay. Isa kang nawala, ngunit libo-libong puso ang nabasag—libo-libong magulang ang nakaramdam ng sakit na parang sarili nilang anak ang nawala. Huwag kang mag-alala, Rene. Ang iyong pangalan, ang iyong kabutihan, at ang labis na kawalang-katarungang sinapit mo ay hindi namin palalampasin. Dala mo ang pagmamahal ng buong bayan patungo sa iyong huling hantungan. Pahinga ka na, wala nang sakit at pagod. Maghihintay kami ng hustisya para sa iyo. 🕊️🏀 #HulingLabanNiRene #JusticeForReneBaterbonia #ReneBobetBaterbonia #DavaosPride #HindiKaMakakalimutan

ginapairat
ginapairat
Open In TikTok:
Region: PH
Wednesday 24 June 2026 02:05:33 GMT
1385
56
1
0

Music

Download

Comments

user4937562425237
anna :
🙏🙏🙏😭😭😭
2026-06-24 10:27:29
1
To see more videos from user @ginaadvientosalasayo, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About