@gmanews: PANOORIN: Na-inquest na ang 15-anyos na sangkot sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban na ikinasawi ng tatlong mag-aaral. Three counts of murder, three counts of frustrated murder at multiple counts of serious physical injuries ang isinampa ng Police Regional Office 8 ng PNP laban sa 15-anyos na itinuturing na Child in Conflict with the Law o CICL kaugnay sa pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City. Mananatiling nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Rehabilitation Center for Youth sa Tanauan, Leyte ang dalawang menor de edad habang pino-proseso ang mga kaso at intervention para sa kanila. COURTESY: PNP PRO8