Carlll :
Ang totoo, hindi ’yan klaseng pagmamahal na nakakainggit. Mas masakit pa nga ’yan kaysa sa hindi ka talaga mahal, kasi pinaparanas niya sa’yo ang saya, tapos bigla rin niya ’yang babawiin na parang wala lang. Sa mga araw na okay ang pakiramdam niya, ipaparamdam niyang ikaw ang mundo niya. Lambing dito, sweet words doon, mga tinging akala mo totoo at sigurado ka sa puso niya. Pero kapag hindi siya okay, kapag wala siya sa mood, kapag mabigat ang araw niya, bigla ka na lang itutulak palayo na parang wala kang halaga. Parang ang pagmamahal niya, switch lang—puwedeng buksan kapag gusto niya at patayin kapag ayaw niya.
Ang masakit doon, ikaw ang naiipit sa gitna. Ikaw ’yung nasasanay sa presensya niya, sa lambing niya, sa mga salitang binitiwan niya, tapos bigla na lang magbabago ang lahat nang hindi mo maintindihan. Araw-araw ka mapapaisip kung ano bang version niya ang sasalubong sa’yo—’yung taong mahal ka, o ’yung taong kaya kang tiisin na parang wala kang importansya. Nakakapagod mahalin ang taong pabago-bago, kasi habang siya sinusunod ang mood niya, ikaw naman unti-unting nauubos kakahintay ng consistency na hindi naman niya maibigay.
At habang tumatagal, hindi mo na lang namamalayan na nasisira ka na. Nagsisimula kang kuwestiyunin ang sarili mo. Baka kulang ako. Baka may mali sa akin. Baka kung mas inintindi ko siya, mas minahal ko siya, mas inayos ko sarili ko, baka mahalin niya ako nang buo. Pero ang totoo, hindi dapat ganyan ang pagmamahal. Hindi dapat ikaw ang laging nag-aadjust para lang maramdaman mo na mahal ka. Hindi mo dapat pinupulot ang mga piraso ng atensyon na ibinibigay niya kapag gusto lang niya, tapos ipagpapasalamat mo pa na parang sapat na iyon.
Kasi ang pagmamahal na totoo, hindi lang lumalabas kapag magaan ang pakiramdam. Hindi lang umiiral kapag masaya siya, kapag convenient, kapag gusto niya. Ang totoong pagmamahal, nananatili kahit may pagod, kahit may problema, kahit hindi maganda ang araw. Hindi perpekto, oo, pero hindi ka ipaparamdam na option ka lang kapag may gana siya. Hindi ka dapat minamahal nang pa-isa-isa, pa-konti-konti, depende sa emosyon niya. Dahil puso mo ’yan, hindi ’yan laruan na puwedeng lapitan kapag gusto at bitawan p
2026-06-28 09:21:42