@gmanews: ARMADONG ENGKUWENTRO SA NLEX Sunod-sunod na putok ng baril sa pagitan ng mga tauhan ng Bulacan Police at hinihinalang robbery-hold-up group ang bumulabog sa mga motorista sa southbound lane ng NLEX partikular sa Bocaue, Bulacan kanina, June 26, 2026. Ang mga suspek ang sinasabing nasa likod umano ng serye ng holdapan sa Region 3 at Region IV-A. Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing engkuwentro. #YouScoop COURTESY: YouScooper Dhessarie Tirona Lacia