@dictgovph: Bilang pangulo ng Grade 9 Cassiopeia sa Fr. William Masterson Integrated School, personal na naranasan ni Gabriel Mary Dutosme ang mga hamon ng limitadong internet access sa pag-aaral. Noon, madalas na umaasa ang mga estudyante sa sariling mobile data upang makumpleto ang kanilang assignments, presentations, at iba pang academic requirements. Dahil sa DICT Free Wi-fi at GovNet, naging mas madali para sa mga estudyante ang pagsasaliksik, pagsusumite ng mga gawain, at paghahanda para sa kanilang mga pagsusulit. Nakatulong din ito upang mas mapalawak ang kanilang access sa kaalaman at makasabay sa makabagong paraan ng pagkatuto. “All the students are now happy because we are able to complete our studies. It has helped us prepare for upcoming exams and have better grades. So I'd like to thank President Bongbong Marcos Jr. for giving us this program and making it free for all the students here at Fr. William.” - Gabriel Mary Dutosme #DICT #GovNet #NationalBroadbandProgram #Mindanao #CagayanDeOro