@vvvsaldivar: May mga diyos na kayang magkaloob ng mga kaharian. May mga diyos na kayang maghandog ng karunungan, kagandahan, at kabataang hindi inuupos ng panahon. May mga diyos na kayang utusan ang hangin, patahimikin ang nagngangalit na dagat, at baguhin ang pagkakahabi ng mga bituin. Ngunit wala ni isa ang natutong pigilan ang paglisan. Kaya may isang bulaklak na muling namumukadkad sa bawat tagsibol. May isang bituing patuloy na nagbabantay sa gabi. May mga templong itinayo upang hindi tuluyang lamunin ng limot ang mga pangalan. Sapagkat kahit ang mga diyos, sa harap ng pagkawala, ay alaala lamang ang naipagkakaloob. Ngunit may isang mortal na walang itinanim na bulaklak. Wala ring templong ipinagawa, ni himalang hiningi sa langit. Isinuot lamang niya ang baluti ng isang nawala, at hinayaang ang sarili niyang puso ang maging bantayog nito. Mula noon, hindi na muling nabanggit ang kaniyang pangalan nang nag-iisa. Sa bawat pagbigkas sa ngalan niya, may isa pang pangalang marahang sumasabay- Patroclus. Tila ba pati ang kasaysayan ay natutong magluksa, at tumangging paghiwalayin ang dalawang pusong pinaglayo ng kamatayan. Kaya marahil, sa huli, higit ang naipagwagi ng isang mortal. Sapagkat nakalikha man ang mga diyos ng mga bulaklak, bituin, at mga kaharian, isang tao lamang ang nakapagturo sa daigdig ng himalang hindi kayang ipagkaloob ng langit, na may mga pag-ibig na tumatangging maalala nang magkahiwalay. #yearning #filipinopoetry #creatorsearchinsights #achillesandpatroclus #Pride
Bib
Region: PH
Saturday 27 June 2026 09:36:28 GMT
Music
Download
Comments
✶⋆.˚ :
“He is half of my soul as the poets say.” and the two of them make one whole. Not even Thetis can separate them—Actually, no present god in their era can. Not even Zeus himself. For Achilles and Patroclus isn't written by fate or prophecy—they are fate and prophecy themselves.
2026-06-28 07:19:39
419
hyadler :
beautifully written ! 💘 oh to read TSoA the very first time 🥹
2026-06-28 03:02:15
249
estrelamarela 𖤓 :
super woooow!!! i miss patrochilles and tsoa 🥹 happy pride month 💘
2026-06-28 08:50:59
4
mihan :
“I am made of memories” eka nga ni Patroclus. Now, we know their story thru him 😩
2026-06-28 05:30:40
97
eka :
nandito nanaman ako sa restaurant
2026-06-28 01:04:46
94
𝄞ijey :
The choice of words and song.. chef’s kiss .🍃💋
2026-06-28 03:26:59
14
tailbone ni seungcheol :
HEYYYYY I LOVE THIS
2026-06-28 09:15:52
1
Inkwell ☕ :
Close enough, welcome back early post-pandemic trend "He is half of my soul, as the poets say."
2026-06-28 06:55:01
13
lou :
oh you’re bringing back my tsoa fixation 😭😭😭
2026-06-28 04:50:32
10
jayder's :
wtf wtf this is so good aaaaaaaaaaa 💯
2026-06-28 06:52:58
3
nauulol sa taong di ako kilala :
di na ko makakamove on sa dalawang 'to
2026-06-28 06:56:38
10
al :
so galing!!
2026-06-27 17:38:27
7
acezii🪷 :
Hindi na 'ko nakausad! nakakainis naiiyak na naman ako!😭
2026-06-28 08:50:54
1
mikmik :
nandito parin ako sa karinderya
2026-06-28 06:55:48
3
Polengfinds :
You made me cry😭 I love this 🥹
2026-06-28 07:36:37
1
altergo :
OMOOO I LOVE LOVEEEE 🫶🫶🫶
2026-06-28 08:29:44
1
jose :
This is sooo poetic and well written. I wanna re-read TSoA againnnn 🥺
2026-06-28 08:22:01
1
⛺️bi :
JUSQ JUSQ nde na ako maka usad
2026-06-28 02:07:52
6
cali :
galing!! 🥹❤️
2026-06-28 02:46:55
1
ishtar :
this is so well written ;((
2026-06-28 06:15:10
1
nica. :
ang husayy!! 💐
2026-06-28 04:46:34
1
emma_nuel :
2 years na akong hindi makausad
2026-06-28 06:53:01
1
Skurt on tiktok :
nainspired tuloy akong gumawa ng poem about sa kanila, gandaaaa🙌🏻🙌🏻
2026-06-28 10:04:43
1
Nero Chaen :
Hindi pa rin ako nakaka-enter ng building pero at the same time Hindi pa rin ako makaalis 🥀
2026-06-28 09:22:07
1
To see more videos from user @vvvsaldivar, please go to the Tikwm
homepage.