@gmanews: ALL HAIL THE PAR-KING! 🤴🏻 Aliw ang netizens sa kakaibang diskarte ni YouScooper Michael Mesias sa pagparada ng kaniyang sasakyan. Sa video, makikitang gumamit si Michael ng isa pang cellphone at inilagay ito sa puwesto kung saan kita ang kaniyang pagpaparadahan. Pagkatapos, nag-video call si YouScooper Michael gamit ang isa pang gadget para makita kung sapat na ang espasyo habang ipinapasok ang sasakyan. Ayon kay Michael, nag-crave lang daw siya ng kape bandang alas-2 ng madaling araw. Pag-uwi niya, wala pa rin ang kaniyang ama sa kanilang bahay na karaniwang tumutulong sa kaniya sa pagparada. “Kaya naisipan ko yung isang gadget gawing reference,” aniya. Biro pa ng ilang netizen, “Siya lang nakaisip niyan.” #YouScoop Courtesy: YouScooper Michael Mesias #GMANews