@donyanewsnetwork: Besh, habang paliit nang paliit ang new minority bloc sa Senado, isa na naman sa mga miyembro nito ang haharap sa malaking legal battle. Inihayag ni Ombudsman Jesus "Boying" Remulla na magsasampa na ngayong linggo ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta. Bagama't wala pang inilalabas na kumpletong detalye ang Ombudsman, inaasahang may kaugnayan ito sa mga kasong iniimbestigahan kaugnay ng umano'y multi-bilyong pisong anomalya sa flood control projects. Matapos ang pagkawala ng impluwensya sa Senado, isa na namang hamon ang kinakaharap ng minority—ngayon naman, sa korte.