JIE :
Hinding hindi ko malilimutan na nag umpisa kami sa HI/HELLO tapos hanggang sa nag usap, naging close, nag add sa iba't ibang account, nag lalaro ng emel, download ako at nag aral ako ng COD para sa kanya, tumatambay ako kasama sya kahit matagal na akong huminto sa pag tambay, I also try to use vape para lang maki bagay sa kanya, madalas ko syang tinutulungan sa mga assignments nya, projects even sa part nang research nila tinulungan ko pa sya kahit may ginagawa rin akong research, hanggang sa na develop yung feelings ko sa kanya kasi laging nag papakita sya ng sweetness, clingy side nya, ginawan nya pa ako nang nickname na sya lang daw pwedeng gumamit, but after I confess everything he dump me even though na araw araw kaming nag kikita sa campus. Everytime na mag a approach ako sa kanya umiiwas agad sya not until before kami mag graduate ng senior high nalaman ko na lang sa iba na he's doing the same thing to other gay sa ibang strand na bestie ko pa. I hope na he's doing well, because I'm doing good too after everything.
2026-07-02 01:06:26