@news5everywhere: ‘’YUNG HININGI NILA AY 3 DAYS, TINGIN KO ‘DI NAMIN MAIBIBIGAY NANG DIRE-DIRETSO’ 'Yan ang pahayag ni Elmo San Diego, head ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City Local Government Unit (QC LGU) kaugnay ng orihinal na hiling ng organizer ng Iglesia ni Cristo (INC) na magsagawa ng rally sa loob ng tatlong araw. Sa ngayon, isang araw lamang ang kanilang pinahintulutan, ngunit maaari pa umano itong i-extend kung magiging maayos at organisado ang kilos-protesta ngayong Miyerkules, July 1. | via #MOJO Jazz Paredes