@aksyonradyopangasinan: PNP, posibleng magsampa ng kaso kaugnay ng INC rally sa EDSA Hindi pa isinasantabi ng Philippine National Police ang posibilidad na magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng isinagawang rally ng Iglesia ni Cristo sa EDSA. Ayon sa PNP, patuloy nilang sinusuri ang mga pangyayari kaugnay ng pagtitipon, kahit nakakuha na ng permit ang mga organizer para sa ikalawang araw ng programa. Sinabi ng pulisya na nakadepende pa rin sa resulta ng kanilang imbestigasyon kung may sapat na batayan upang magsampa ng kaukulang reklamo laban sa mga responsable. Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa lugar. #AksyonRadyoPangasinan #Balita #NewsUpdate