@gmanews: 'HUWAG KAYONG MAGMADALI, KUNG KAYO, AY KAYO!' Agree? Iyan ang naging payo ni tatay Rolando Santiago mula sa Talisay, Batangas habang kinakausap ang boyfriend ng anak niyang si Rizza. Ayon kay YouScooper Rizza, naka-barek o may kaunting inom ng gin noon ang kaniyang tatay nang komprontahin ang kaniyang boyfriend na si Gilbert. "Saktong nag-iinuman po ang mga tatay noon kaya napainom po ang boyfriend ko at napadale sa aking tatay, kaya naisipan ko po kuhanan ng video dahil nakakatuwa naman talaga ang usapan nila," dagdag pa ni YouScooper Rizza. Hindi naman daw galit ang kanyang Tatay pero ang boyfriend ni YouScooper Rizza, napangiti na lang tuwing sumasagot. Panoorin ang nakakaaliw na tagpo sa video! #YouScoop Courtesy: YouScooper Rizza Santiago #GMANews