MR. Leo :
gusto ko nang mag confess sakanya, kasi takot ako na baka diko masabi sakanya ang nararamdaman ko, ayaw ko din na ilihim lang na may gusto ako sakanya, kaso takot ako makipagusap o pumansin sakanya sa personal kasi baka di ako papansinin, alam ko ang pangalan(jhaira) nya kaso diko alam account nya sa fb,insta,tiktok, lagi ko hinahanap baka one time makita ko kaso wala talaga e, iniisa-isa ko na mga profile pero wala talaga, ayuko na dumating sa point na magsisi ako nang dahil hindi ko nasabi ang nararamdaman para sakanya, dibale nang mabasted at least naipagtapat ko nararamdaman ko haha, ika nga take the risk or lose the chance, sa umpisa crush ko lang talaga sya kaso habang tumatagal nafafall nako sakanya, astig kase sya e dagdag mo pa boses nya hahaha, bonus nalang yung pagiging maganda nya, mas lalo pa syang gumaganda pagngumingiti, pero diko alam kung parehas ba kami ng hanap para kasi syang boyish kung titingnan dahil sa mga ikinikilos nya pero ewan haha. lagi ko pa syang inaabangan sa labas ng bahay namin, tuwing 4pm nagaabang nako dahil labasan na ng mga studyante nyan at around 4:20-4:40 dumadating sya, minsan naman nagaabang rin ako sa umaga para makita syang papasok, ansaya ko tuwing nakikita ko syang dumadating galing skwela lalo na pagnagtatambay pasya sa labas ng pinto nila, kinikilig talaga ako habang tumitingin sa kanya na para bang gf ko sya HAHAHA(assuming) diko kasi mapigilan kiligin lalo na pagpuso ang pinairal, minsan nga dinadaan ko nalang sa pagpapatugtog ang pagpaparinig ko sakanya(lakas tama feat ayeeman, alam mo ba girl, etc) o di kaya kumakanta ako ng "alam mo ba girl sayo ko lang to naramdaman" minsan sumisigaw din na "gusto taka" at kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataon na maisabi ko ang nararamdaman ko para sakanya is di ako magdadalawang isip na sabihin sakanya ang nararamdaman ko at kung pano umabot sa punto na dapat ay crush lang ngayon ay gusto ko na sya, at kung sakaling mabigyan ng pagkakataon na ipakita sa kanya ang nararamdaman ko, gagawin ko ang lahat para mapatunayan na sa kanya na gusto ko sya, at kung sakaling mabasa mo man to(jhai) sana bigyan mo ako ng chance para ipakita sayo na gusto kita at maparamdam yon sayo.
2026-07-10 13:14:31