༄.° Yυèxīɳ • | 月心 :
Parang ako lang. Galing lang ako sa work immersion noon, tapos nagpa-drop ako sa Watsons Pharmacy kasi may bibilhin lang na makeup. Syempre, nakasuot pa ako ng work immersion uniform namin. Habang namimili ako, napagkamalan akong assistant. May mga customer pang lumalapit at nagtatanong sa'kin ng, "Asan po yung ganito, Ma'am?" at kung anu-ano pa. Nagulat talaga ako kasi customer lang din naman ako. Ang awkward tuloy, lalo na't ang dami pang nagtanong sa'kin, tapos hindi ko na alam ang isasagot sa kanila. Jusko, pati yung mga totoong assistant sa Watsons, napatingin at nagtaka rin. Sa'kin ba naman sila nagtanong at hindi sa kanila, eh sila naman yung totoong assistant dun. Sobrang nakakahiya, as in, pero nakakatawa na lang balikan. Nakikita ko talaga sa mukha ng mga assistant na parang natatawa na sila, pero hindi halata. They're so professional kasi. From work immersion to Watsons assistant real quick😭
2026-07-03 12:25:55