@papasecgadon: Muling uminit ang pampulitikang eksena matapos magpalabas ng matalim na reaksyon si Secretary Larry Gadon laban kay Vice President Sara Duterte. Kinuwestiyon ni Gadon ang pagkaunawa ng Bise Presidente sa paggamit ng "intelligence funds" ng pamahalaan. Binigyang-diin din ng kalihim na sa halip na tumutok sa mga destabilisasyon at rally, dapat umanong sagutin ng bise presidente ang mga isyu hinggil sa sinasabi ng AFP na walang natanggap na 15 milyong piso para sa mga youth summit seminar na una nitong iniulat. Panoorin ang buong pahayag. #SecretaryLarryGadon #Sara #Duterte #PBBM #Impeachment