@baodamzeika: #amazonfinds #washcar #dirty #car #cartok

Clover Lawn
Clover Lawn
Open In TikTok:
Region: US
Friday 03 July 2026 20:44:00 GMT
277
0
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @baodamzeika, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos

Hindi kailangan mayaman bago magpamilya. Pero sana bago ka bumuo ng pamilya, marunong ka munang mag-isip lampas sa kilig. Kasi kapag nag-anak ka, hindi lang ikaw ang sasama sa hirap mo. May batang madadamay. May asawang madadamay. May magulang na baka masalo ulit. May kapatid na baka hingian mo ulit. May buong pamilya na baka mapilitang umikot sa desisyong hindi naman nila pinili. Madami ang nadadamay kapag nagpapamilya ka na wala kang pera. Hindi ito pangmamaliit sa mahirap. Kasi maraming mahirap ang responsable. Maraming walang-wala pero marunong magbanat ng buto. Maraming nagsimula sa wala pero hindi pinabayaan ang pamilya. Ang tinutukoy dito, yung taong alam nang wala pang plano, wala pang trabaho, wala pang diskarte, wala pang direksyon, pero ang lakas bumuo ng pamilya na parang love lang ang pambayad sa bigas. Mahalaga ang pagmamahal. Pero hindi mapapakain ng “mahal kita” ang bata. Hindi mababayaran ng lambing ang kuryente. Hindi mapapagamot ng pangako ang anak kapag nilagnat. Hindi mapapaaral ng puro “kakayanin natin” kung walang kilos na kasunod. Kaya bago ka magpamilya, tanungin mo muna sarili mo: Kaya ko bang magpakain? Kaya ko bang magtiis? Kaya ko bang tumayo kapag mahirap na? Kaya ko bang unahin sila kaysa sarili ko? Kasi ang pamilya hindi lang picture na maganda sa Facebook. Hindi lang “my baby” sa caption. Hindi lang anniversary post. Araw-araw yan na gastos. Araw-araw na responsibilidad. Araw-araw na sakripisyo. At kapag hindi ka handa, yung mga taong mahal mo ang unang mahihirapan. Kaya huwag gawing laro ang pagbuo ng pamilya. Hindi mo kailangan maging milyonaryo. Pero kailangan mong maging responsable. Kailangan mong may plano. Kailangan mong may trabaho o kahit matinding diskarte. Kailangan mong maintindihan na kapag may pamilya ka na, hindi ka na pwedeng puro sarili. Dahil ang anak, hindi dapat parusahan sa buhay na hindi mo pinaghandaan. At ang asawa, hindi mo dapat kunin sa pamilya niya para lang isama sa gutom, stress, at walang katapusang pangangapa. Magmahal ka. Mangarap ka. Bumuo ka ng pamilya kung gusto mo. Pero sana, bago ka bumuo ng tahanan, siguraduhin mo munang hindi mo sila dadalhin sa gulong ikaw mismo hindi mo pa kayang ayusin. #PagpaPamilya  #PagAasawa  #pamilya  #reposted  #ctto

About