@mjaguilaronfinance: Akala natin, tapos na ang pag-aaral pagkatapos ng graduation. Pero habang tumatanda tayo, doon natin nare-realize… Marami pa lang mahalagang bagay na hindi naituro sa atin. Hindi kung paano gumagana ang pera. Hindi kung paano gumawa ng mas magandang financial decisions. Hindi kung paano magpalago ng assets. Hindi kung paano bumuo ng long-term wealth. At hindi kasalanan ng school na maituro ang lahat. Pero responsibility na natin kung hanggang doon na lang ang matututunan natin. Para sa’kin, ito ang simula ng paglabas sa autopilot. Hindi kapag kinuwestyon mo lahat. Kundi kapag nagsimula kang magtanong sa mga bagay na matagal mo nang in-assume na normal. Kasama na doon ang paraan ng pagtingin natin sa pera. The moment you stop relying only on what you were taught… And start intentionally educating yourself… That’s when your life starts to change. Financial freedom doesn’t start when you earn more. It starts when you start seeing money differently.