@raffytulfoinaction: Nagtanong si Senator-Judge Raffy Tulfo ng ilang clarificatory questions sa unang testigo ng prosekusyon na si John Mark Calilung, senior agent ng National Bureau of Investigation (NBI) Cyber Investigation and Assessment Center, upang matukoy ang kanyang expertise. Si Calilung ang testigo ng prosekusyon para sa Article IV ng impeachment case, na may kaugnayan sa umano’y inciting to sedition. Tinanong din ni Senator-Judge Raffy kung nakita ni Calilung ang mga naging reaksyon ng publiko sa 2-hour-and-26-minute online press conference ni VP Sara Duterte na kanyang inimbestigahan kaugnay ng Article IV. Mabibigyang-linaw ng mga tanong na ito ang lalim ng imbestigasyon na isinagawa ng NBI at ni Witness Calilung. #Tulfo #RaffyTulfo #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon