@ptvphilippines: Sa ikatlong araw ng Impeachment Trial ni Vice President #SaraDuterte ngayong Miyerkoles, July 8, kinuwestiyon ni Senator-judge #RisaHontiveros ang posisyon ng depensa kung maari bang palagpasin ang "alleged #gravethreats" kung may masasabing lehitimong dahilan para magbanta. Muli namang pinalalahanan ni Senate Impeachment Court Presiding Officer #ChizEscudero ang mga senator-judge na maging maingat sa pagtatanong sa prosekusyon at depensa upang maiwasan ang alin mang panig na magbigay ng konklusyon, imbis na magpresenta ng ebidensiya kaugnay ng mga #ArticlesofImpeachment. Ito’y matapos ang tanong ni Hontiveros sa depensa kung ano ang “relevance” ng pagpapakita ng video ni OVP Chief of Staff Atty. #ZuleikaLopez sa mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte sa online press conference noong Nov. 23, 2024 kung saan sinabi umano niya ang dahilan ng kaniyang pagbabanta kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. #PBBM, First Lady Liza Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez. #TheImpeachmentTrial #PTV #ParaSaBayan
PTVph
Region: PH
Wednesday 08 July 2026 13:10:21 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @ptvphilippines, please go to the Tikwm
homepage.