PJ :
I'm middle child at parang ako ang tumatayong panganay,ako laging pinag-aalaga sa kapatid ko,naglilinis,inuutusan, at sinisisi sa mga kasalanang hindi ko ginawa.Ang favorite ni mama si kuya at ang bunso slight sa pangalawa at ako ang pinaka hate niyang anak,sa papa ko naman lahat pero mas ramdam ko din ang galit niya sakin kesa sa mga kapatid ko.Ang pinaka-masakit sa lahat ng yun,yung mga kakampi ng ibang tao (which is ang sarili nilang pamilya)ang siyang nag d-down naman sakin, at sila ang dahilan kaya wala akong pangarap,laging drained o pagod,never naging confident dahil since bata ako sila ang nagbigay sakin ng insecurities, sila ang nagparamdam sakin na hindin
ako maganda,hindi ako karapat dapat na maging anak nila,pati yung biro nila sakin since maliit pako na kahit yung mga kapit bahay namin tinatawag akong "ampon" dahil nga "pango" ako, ay ang siyang naging biggest insecurities ko sa buong buhay ko.🙃
2026-07-14 10:40:06