@news5everywhere: NANALO SA ARBITRAL RULING PERO BINU-BULLY PA RIN NG CHINA Naglabas ng hinaing ang ilang mangingisda sa Zambales dahil sa patuloy nilang nararanasang bullying at harassment mula sa Chinese Coast Guard sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Reklamo nila, pumabor sa Pilipinas ang arbitral ruling pero tila hindi nila ramdam ang malayang pangingisda dahil sa presensya ng China sa ating mga karagatan. Mag-i-isang dekada na sa July 12 magmula ng maigawad sa Pilipinas ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague ang arbitral award sa West Philippine Sea. | via Reuters