daisy :
Sana po hindi tayo agad naniniwala sa mga tarot reading, hula-hula, o kung ano-anong claims na walang sapat na basehan, kasi hindi naman lahat ng lumalabas ay totoo.
Kung napanood ninyo po ang mga interviews ng coaches, family, at teammates ni Rene, sinabi nila na may iba ring DAVRAA players na nauna sa Manila dahil na-scout sila ng iba't ibang schools. Nauna lang po si Rene dahil supposed to be college student na siya at may usap-usapan na maglalaro siya sa FilOil-EcoOil Preseason Cup. Since bago pa lang siya, pina-observe muna siya.
Regarding naman po sa pagsama niya kay Coach Jess, nagkataon lang talaga na may event ding aattendan si Coach Jess sa Manila noong araw na iyon, kaya magkasama silang bumiyahe.
Sana po ay verified facts at official statements lang ang paniwalaan natin. Huwag po tayong basta-basta naniniwala sa tarot readings, hula-hula, fake news, o mga haka-haka na puwedeng makadagdag sa pagkalat ng maling impormasyon at makadamay sa mga taong wala namang napapatunayang kinalaman. Let's respect Rene, his family, and everyone affected by choosing facts over speculation.
2026-07-12 18:56:40