@letstalkweddingsph.tammy: Every bride dreams of a wedding with no regrets. Truth is may mga maliliit din akong “Sana…” after our wedding. Pero wala akong regret na hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa akin. Isa sa pinakamalaking nakatulong sa’kin habang nagpaplano? Hindi lang ako naghanap ng wedding inspiration. Nagbasa rin ako ng wedding regrets ng ibang brides. Minsan, mas marami kang matututunan sa mga bagay na sana ginawa nila (o sana hindi nila ginawa). If you’re currently planning your wedding, don’t just search for the “best wedding ideas.” Search for wedding regrets too. Baka yun ang makatulong para maiwasan mo ang mga bagay na puwedeng pagsisihan later on. Anong wedding regret ang nabasa mo noon na talagang nakatulong sa’yo? Or kung graduate bride ka na, ano ang gusto mong malaman mo sana bago ang wedding mo? Share it below para makatulong din sa future brides. #weddingtips #weddingplanning #bridetips #bridetobe #engagedcouple