iranne :
I miss my lola at tatay, my kakampi. Si lola, palihim nya akong binibigyan ng 20, 10 dati kahit wala s’yang masyadong pera, tuwing umaga at tanghali sabay kaming nakikinig sa radyo. Lola, mahigit apat na taon simula nung maiwan mo kami, apat na taon pero miss na miss parin kita, namimiss ko na yung mga tawa at yakap mo, lola namimiss ko na ang bawat haplos ng kamay mo sa tuwing hinihilot mo ako, namimiss ko na rin ang bawat pagbigkas mo sakin ng “iloveyou apo”. La, masakit likod ko ngayon, pwede bang hilutin mo na ulit?:( Si tatay? tatlong buwan simula ng iwan nya kami. Mahal ko si tatay dahil kahit maldita ako sakanya dati binibigyan nya pa rin ako ng pera tuwing nanghihingi ako, hindi nya ako pinapagalitan, hindi nya rin ako sinisigawan noon, kahit na iniirapan o kinukunutan ko sya ng mukha, nakangiti pa rin sya sakin. Tay, okay lang kahit asarin mo ako ng paulit ulit, basta nandito ka, nandito kayo. La, tay, miss na kayo ng apo nyo, mahal na mahal ko kayo:(
2026-07-16 15:29:39